Bibletech.net: index --- Read/Study the BIBLE: Learn to be THANKFUL, LOVE, Live by Faith, and FORGIVE others as you Trust in Jesus!

--- GRAMMAR and ABCs --- 35 languages, by name and ISO country code --- navigation tools for this page ---
The Bible by chapter: TAGALOG and ENGLISH (NASB 1995)


---- Lamentations 1:1 ---- written 586-585 B.C. Exilic----
Lamentations 1:1 ¶ Ano't nakaupong magisa ang bayan na puno ng mga tao! Siya'y naging parang isang bao, na naging dakila sa gitna ng mga bansa! Siya na naging prinsesa sa gitna ng mga lalawigan, ay naging mamumuwis!(Tagalog-PH)
--------------------------------------------------------------------------------
Lam 1:1 How lonely sits the city That was full of people! She has become like a widow Who was once great among the nations! She who was a princess among the provinces Has become a forced laborer!(NASB-1995)

================================================================================
---- Lamentations 1:2----
Lamentations 1:2 Siya'y umiiyak na lubha sa gabi, at ang mga luha niya ay dumadaloy sa kaniyang mga pisngi; sa lahat ng mangingibig sa kaniya ay walang umaliw sa kaniya: ginawan siya ng kataksilan ng lahat ng kaniyang mga kaibigan; sila'y naging kaniyang mga kaaway.(Tagalog-PH)
--------------------------------------------------------------------------------
Lam 1:2 She weeps bitterly in the night And her tears are on her cheeks; She has none to comfort her Among all her lovers. All her friends have dealt treacherously with her; They have become her enemies.(NASB-1995)

================================================================================
---- Lamentations 1:3----
Lamentations 1:3 Ang Juda ay pumasok sa pagkabihag dahil sa pagdadalamhati, at sa kabigatan ng paglilingkod; siya'y tumatahan sa gitna ng mga bansa, siya'y walang masumpungang kapahingahan; inabot siya ng lahat na manghahabol sa kaniya sa mga gipit.(Tagalog-PH)
--------------------------------------------------------------------------------
Lam 1:3 Judah has gone into exile under affliction And under harsh servitude; She dwells among the nations, But she has found no rest; All her pursuers have overtaken her In the midst of distress.(NASB-1995)

================================================================================
---- Lamentations 1:4----
Lamentations 1:4 Ang mga daan ng Sion ay nangagluluksa, sapagka't walang pumaparoon sa takdang kapulungan; lahat niyang pintuang-bayan ay giba, ang mga saserdote niya'y nangagbubuntong-hininga: ang mga dalaga niya ay nangagdadalamhati, at siya'y nasa kahapisan.(Tagalog-PH)
--------------------------------------------------------------------------------
Lam 1:4 The roads of Zion are in mourning Because no one comes to the appointed feasts. All her gates are desolate; Her priests are groaning, Her virgins are afflicted, And she herself is bitter.(NASB-1995)

================================================================================
---- Lamentations 1:5----
Lamentations 1:5 Ang kaniyang mga kalaban ay naging pangulo, ang kaniyang mga kaaway ay nagsiginhawa; sapagka't pinagdalamhati siya ng Panginoon dahil sa karamihan ng kaniyang mga pagsalangsang: ang kaniyang mga batang anak ay pumasok sa pagkabihag sa harap ng kalaban.(Tagalog-PH)
--------------------------------------------------------------------------------
Lam 1:5 Her adversaries have become her masters, Her enemies prosper; For the Lord has caused her grief Because of the multitude of her transgressions; Her little ones have gone away As captives before the adversary.(NASB-1995)

================================================================================
---- Lamentations 1:6----
Lamentations 1:6 At nawala ang buong kamahalan ng anak na babae ng Sion: ang kaniyang mga prinsipe ay naging parang mga usa na hindi makasumpong ng pastulan, at nagsiyaong walang lakas sa harap ng manghahabol.(Tagalog-PH)
--------------------------------------------------------------------------------
Lam 1:6 All her majesty Has departed from the daughter of Zion; Her princes have become like deer That have found no pasture; And they have fled without strength Before the pursuer.(NASB-1995)

================================================================================
---- Lamentations 1:7----
Lamentations 1:7 Naaalaala ng Jerusalem sa kaarawan ng kaniyang pagdadalamhati at ng kaniyang mga karalitaan ang lahat niyang naging maligayang bagay ng mga kaarawan nang una: nang mahulog ang kaniyang bayan sa kamay ng kalaban, at walang sumaklolo sa kaniya, nakita siya ng mga kalaban, tinuya nila ang kaniyang mga pagkasira.(Tagalog-PH)
--------------------------------------------------------------------------------
Lam 1:7 In the days of her affliction and homelessness Jerusalem remembers all her precious things That were from the days of old, When her people fell into the hand of the adversary And no one helped her. The adversaries saw her, They mocked at her ruin.(NASB-1995)

================================================================================
---- Lamentations 1:8----
Lamentations 1:8 Ang Jerusalem ay lubhang nagkasala; kaya't siya'y naging parang maruming bagay; lahat ng nangagparangal sa kaniya ay humahamak sa kaniya, sapagka't kanilang nakita ang kaniyang kahubaran: Oo, siya'y nagbubuntong-hininga, at tumatalikod.(Tagalog-PH)
--------------------------------------------------------------------------------
Lam 1:8 Jerusalem sinned greatly, Therefore she has become an unclean thing. All who honored her despise her Because they have seen her nakedness; Even she herself groans and turns away.(NASB-1995)

================================================================================
---- Lamentations 1:9----
Lamentations 1:9 Ang kaniyang karumihan ay nasa kaniyang mga laylayan; hindi niya naalaala ang kaniyang huling wakas; kaya't siya'y nababa ng katakataka; siya'y walang mangaaliw; masdan mo, Oh Panginoon, ang aking pagdadalamhati; sapagka't ang kaaway ay nagmalaki.(Tagalog-PH)
--------------------------------------------------------------------------------
Lam 1:9 Her uncleanness was in her skirts; She did not consider her future. Therefore she has fallen astonishingly; She has no comforter. "See, O Lord, my affliction, For the enemy has magnified himself!"(NASB-1995)

================================================================================
---- Lamentations 1:10----
Lamentations 1:10 Iginawad ng kalaban ang kaniyang kamay sa lahat niyang maligayang bagay; sapagka't nakita niya na ang mga bansa ay pumasok sa kaniyang santuario, yaong mga inutusan mo na huwag magsipasok sa iyong kapisanan.(Tagalog-PH)
--------------------------------------------------------------------------------
Lam 1:10 The adversary has stretched out his hand Over all her precious things, For she has seen the nations enter her sanctuary, The ones whom You commanded That they should not enter into Your congregation.(NASB-1995)

================================================================================
---- Lamentations 1:11----
Lamentations 1:11 Buong bayan niya ay nagbubuntong-hininga, sila'y nagsisihanap ng tinapay; ibinigay nila ang kanilang mga maligayang bagay na kapalit ng pagkain upang paginhawahin ang kaluluwa. Iyong tingnan, Oh Panginoon, at masdan mo; sapagka't ako'y naging hamak.(Tagalog-PH)
--------------------------------------------------------------------------------
Lam 1:11 All her people groan seeking bread; They have given their precious things for food To restore their lives themselves. "See, O Lord, and look, For I am despised."(NASB-1995)

================================================================================
---- Lamentations 1:12----
Lamentations 1:12 Wala bagang anoman sa inyo, sa inyong lahat na nagsisipagdaan? Inyong masdan, at inyong tingnan kung may anomang kapanglawan na gaya ng aking kapanglawan, na nagawa sa akin, na idinalamhati sa akin ng Panginoon sa kaarawan ng kaniyang mabangis na galit.(Tagalog-PH)
--------------------------------------------------------------------------------
Lam 1:12 "Is it nothing to all you who pass this way? Look and see if there is any pain like my pain Which was severely dealt out to me, Which the Lord inflicted on the day of His fierce anger.(NASB-1995)

================================================================================
---- Lamentations 1:13----
Lamentations 1:13 Mula sa itaas ay nagsugo siya ng apoy sa aking mga buto, at mga pinananaigan; kaniyang ipinagladlad ng silo ang aking mga paa, kaniyang ibinalik ako: kaniyang ipinahamak ako at pinapanglupaypay buong araw.(Tagalog-PH)
--------------------------------------------------------------------------------
Lam 1:13 "From on high He sent fire into my bones, And it prevailed over them. He has spread a net for my feet; He has turned me back; He has made me desolate, Faint all day long.(NASB-1995)

================================================================================
---- Lamentations 1:14----
Lamentations 1:14 Pamatok ng aking mga pagsalangsang ay hinigpit ng kaniyang kamay; mga nagkalakiplakip, nagsiabot sa aking leeg; kaniyang pinanglupaypay ang aking kalakasan: ibinigay ako ng Panginoon sa kanilang mga kamay, laban sa mga hindi ko matatayuan.(Tagalog-PH)
--------------------------------------------------------------------------------
Lam 1:14 "The yoke of my transgressions is bound; By His hand they are knit together. They have come upon my neck; He has made my strength fail. The Lord has given me into the hands Of those against whom I am not able to stand.(NASB-1995)

================================================================================
---- Lamentations 1:15----
Lamentations 1:15 Iniuwi ng Panginoon sa wala ang lahat na aking mga makapangyarihang lalake sa gitna ko; siya'y tumawag ng isang takdang kapulungan laban sa akin upang pagwaraywarayin ang aking mga binata: niyapakan ng Panginoon na parang pisaan ng ubas ang anak na dalaga ng Juda.(Tagalog-PH)
--------------------------------------------------------------------------------
Lam 1:15 "The Lord has rejected all my strong men In my midst; He has called an appointed time against me To crush my young men; The Lord has trodden as in a wine press The virgin daughter of Judah.(NASB-1995)

================================================================================
---- Lamentations 1:16----
Lamentations 1:16 Dahil sa mga bagay na ito ay umiiyak ako; ang mata ko, ang mata ko ay dinadaluyan ng luha; sapagka't ang mangaaliw na marapat magpaginhawa ng aking kaluluwa ay malayo sa akin: ang mga anak ko ay napahamak, sapagka't nanaig ang kaaway.(Tagalog-PH)
--------------------------------------------------------------------------------
Lam 1:16 "For these things I weep; My eyes run down with water; Because far from me is a comforter, One who restores my soul. My children are desolate Because the enemy has prevailed."(NASB-1995)

================================================================================
---- Lamentations 1:17----
Lamentations 1:17 Iginawad ng Sion ang kaniyang mga kamay; walang umaliw sa kaniya; nagutos ang Panginoon tungkol sa Jacob, na silang nangasa palibot niya ay magiging kaniyang mga kalaban: ang Jerusalem ay parang maruming bagay sa gitna nila.(Tagalog-PH)
--------------------------------------------------------------------------------
Lam 1:17 Zion stretches out her hands; There is no one to comfort her; The Lord has commanded concerning Jacob That the ones round about him should be his adversaries; Jerusalem has become an unclean thing among them.(NASB-1995)

================================================================================
---- Lamentations 1:18----
Lamentations 1:18 Ang Panginoon ay matuwid; sapagka't ako'y nanghimagsik laban sa kaniyang utos: inyong pakinggan, isinasamo ko sa inyo, ninyong lahat na bayan, at inyong masdan ang aking kapanglawan: ang aking mga dalaga at ang aking mga binata ay pumasok sa pagkabihag.(Tagalog-PH)
--------------------------------------------------------------------------------
Lam 1:18 "The Lord is righteous; For I have rebelled against His command; Hear now, all peoples, And behold my pain; My virgins and my young men Have gone into captivity.(NASB-1995)

================================================================================
---- Lamentations 1:19----
Lamentations 1:19 Aking tinawagan ang mga mangingibig sa akin, nguni't dinaya nila: nalagot ang hininga ng aking mga saserdote at ng aking mga matanda sa bayan, habang nagsisihanap sila ng pagkain upang paginhawahin ang kanilang kaluluwa.(Tagalog-PH)
--------------------------------------------------------------------------------
Lam 1:19 "I called to my lovers, but they deceived me; My priests and my elders perished in the city While they sought food to restore their strength themselves.(NASB-1995)

================================================================================
---- Lamentations 1:20----
Lamentations 1:20 Masdan mo, Oh Panginoon; sapagka't ako'y nasa kapanglawan; ang aking puso ay namamanglaw; ang aking puso ay nagugulumihanan; sapagka't ako'y lubhang nanghimagsik: sa labas ay tabak ang lumalansag, sa loob ay may parang kamatayan.(Tagalog-PH)
--------------------------------------------------------------------------------
Lam 1:20 "See, O Lord, for I am in distress; My spirit is greatly troubled; My heart is overturned within me, For I have been very rebellious. In the street the sword slays; In the house it is like death.(NASB-1995)

================================================================================
---- Lamentations 1:21----
Lamentations 1:21 Nabalitaan nila na ako'y nagbubuntong-hininga; walang umaliw sa akin; Lahat ng aking mga kaaway ay nangakarinig ng aking kabagabagan; sila'y nangatuwa na iyong ginawa: iyong pararatingin ang araw na iyong itinanyag, at sila'y magiging gaya ko.(Tagalog-PH)
--------------------------------------------------------------------------------
Lam 1:21 "They have heard that I groan; There is no one to comfort me; All my enemies have heard of my calamity; They are glad that You have done it. Oh, that You would bring the day which You have proclaimed, That they may become like me.(NASB-1995)

================================================================================
---- Lamentations 1:22----
Lamentations 1:22 Magsidating nawa ang lahat nilang kasamaan sa harap mo; at gawin mo sa kanila, ang gaya ng ginawa mo sa akin dahil sa lahat kong mga pagsalangsang: sapagka't ang aking mga buntong-hininga ay marami, at ang aking puso ay nanglulupaypay.(Tagalog-PH)
--------------------------------------------------------------------------------
Lam 1:22 "Let all their wickedness come before You; And deal with them as You have dealt with me For all my transgressions; For my groans are many and my heart is faint."(NASB-1995)

================================================================================
---- Lamentations 2:1 ---- written 586-585 B.C. Exilic----


top of the page
THIS CHAPTER:    0798_25_Lamentations_01_ph-en.html

PREVIOUS CHAPTERS:
0794_24_Jeremiah_49_ph-en.html
0795_24_Jeremiah_50_ph-en.html
0796_24_Jeremiah_51_ph-en.html
0797_24_Jeremiah_52_ph-en.html

NEXT CHAPTERS:
0799_25_Lamentations_02_ph-en.html
0800_25_Lamentations_03_ph-en.html
0801_25_Lamentations_04_ph-en.html
0802_25_Lamentations_05_ph-en.html

links to all chapters (PH-EN-links.html)

The most accurate English translation NASB 1995: New American Standard Bible (1995 AD>
NKJV: New King James Version (1982 AD)
KJV: King James Version (1611 AD)
ASV: American Standard Version(1901 AD)
Geneva: Geneva Bible (1560 AD)
German - Luther's Die Heilige Schrift(1545 AD), based on the Textus Receptus, Vulgate and other sources
Latin: Vulgate (405 AD)
Hebrew: Masoretic OT and NT translation by Salkinson and C.D. Ginsburg
Greek-OT: The Septuagint (LXX)(132 BC) - translation into Greek from Hebrew by 70 Jewish scholars
Greek-NT: Nestle-Aland (120-200AD), oldest manuscripts used for the NASB and
Textus Receptus (1100-1200AD), a later version used by Luther and for the KJV


top of the page


NAVIGATION tools: --- TOP of page --- GRAMMAR: for 35 Languages --- BibleTech.net INDEX ---
STUDY: the BIBLE --- READ the Bible in ONE_YEAR! --- READ the Bible in the order written! ---

--- free study tools, maps and handouts --- free e-book PDF: BIBLE OVERVIEW and Summary ---

Today's Date:

"Scripture taken from NEW AMERICAN STANDARD BIBLE® 1995 edition,(NASB) Copyright © 1960-2022 by The Lockman Foundation. Used by permission."
"Scripture taken from the New King James Version®.(NKJV) Copyright © 1982 by Thomas Nelson. Used by permission. All rights reserved."