Bibletech.net: index --- Read/Study the BIBLE: Learn to be THANKFUL, LOVE, Live by Faith, and FORGIVE others as you Trust in Jesus!

--- GRAMMAR and ABCs --- 35 languages, by name and ISO country code --- navigation tools for this page ---
The Bible by chapter: TAGALOG and ENGLISH (NASB 1995)


---- Ezekiel 43:1 ---- written 592-570 B.C. Exilic----
Ezekiel 43:1 Pagkatapos ay dinala niya ako sa pintuang-daan, sa makatuwid baga'y sa pintuang-daan na nakaharap sa dakong silanganan.(Tagalog-PH)
--------------------------------------------------------------------------------
Eze 43:1 Then he led me to the gate, the gate facing toward the east;(NASB-1995)

================================================================================
---- Ezekiel 43:2----
Ezekiel 43:2 At, narito, ang kaluwalhatian ng Dios ng Israel ay nanggagaling sa dakong silanganan: at ang kaniyang tinig ay gaya ng lagaslas ng maraming tubig; at ang lupa ay nagningning sa kaniyang kaluwalhatian.(Tagalog-PH)
--------------------------------------------------------------------------------
Eze 43:2 and behold, the glory of the God of Israel was coming from the way of the east. And His voice was like the sound of many waters; and the earth shone with His glory.(NASB-1995)

================================================================================
---- Ezekiel 43:3----
Ezekiel 43:3 At ayon sa anyo ng pangitain na aking nakita, ayon sa pangitain na nakita ko nang ako'y pumaroon upang gibain ang bayan; at ang mga pangitain ay gaya ng pangitain na aking nakita sa tabi ng ilog Chebar: at ako'y nasubasob.(Tagalog-PH)
--------------------------------------------------------------------------------
Eze 43:3 And it was like the appearance of the vision which I saw, like the vision which I saw when He came to destroy the city. And the visions were like the vision which I saw by the river Chebar; and I fell on my face.(NASB-1995)

================================================================================
---- Ezekiel 43:4----
Ezekiel 43:4 At ang kaluwalhatian ng Panginoon ay pumasok sa bahay sa daan ng pintuang-daan na nakaharap sa dakong silanganan.(Tagalog-PH)
--------------------------------------------------------------------------------
Eze 43:4 And the glory of the Lord came into the house by the way of the gate facing toward the east.(NASB-1995)

================================================================================
---- Ezekiel 43:5----
Ezekiel 43:5 At itinaas ako ng Espiritu, at dinala ako sa lalong loob na looban; at, narito, napuno ng kaluwalhatian ng Panginoon ang bahay.(Tagalog-PH)
--------------------------------------------------------------------------------
Eze 43:5 And the Spirit lifted me up and brought me into the inner court; and behold, the glory of the Lord filled the house.(NASB-1995)

================================================================================
---- Ezekiel 43:6----
Ezekiel 43:6 At aking narinig ang isang nagsasalita sa akin mula sa bahay; at isang lalake ay tumayo sa siping ko.(Tagalog-PH)
--------------------------------------------------------------------------------
Eze 43:6 Then I heard one speaking to me from the house, while a man was standing beside me.(NASB-1995)

================================================================================
---- Ezekiel 43:7----
Ezekiel 43:7 At sinabi niya sa akin, Anak ng tao, ito ang dako ng aking luklukan, at dako ng mga talampakan ng aking mga paa, na aking tatahanan sa gitna ng mga anak ni Israel magpakailan man. At hindi na lalapastanganin pa ng sangbahayan ni Israel ang aking banal na pangalan, nila man, o ng kanilang mga hari man, ng kanilang pagpapatutot, at ng mga bangkay man ng kanilang mga hari sa kanilang mga mataas na dako;(Tagalog-PH)
--------------------------------------------------------------------------------
Eze 43:7 He said to me, "Son of man, this is the place of My throne and the place of the soles of My feet, where I will dwell among the sons of Israel forever. And the house of Israel will not again defile My holy name, neither they nor their kings, by their harlotry and by the corpses of their kings when they die,(NASB-1995)

================================================================================
---- Ezekiel 43:8----
Ezekiel 43:8 Sa kanilang paglalagay ng kanilang pasukan sa tabi ng aking pasukan, at ng kanilang haligi ng pintuan sa tabi ng aking haligi ng pintuan, at wala kundi pader sa pagitan ko at nila; at kanilang nilapastangan ang aking banal na pangalan sa pamamagitan ng kanilang mga kasuklamsuklam na kanilang ginawa: kaya't aking pinugnaw sila sa aking galit.(Tagalog-PH)
--------------------------------------------------------------------------------
Eze 43:8 by setting their threshold by My threshold and their door post beside My door post, with only the wall between Me and them. And they have defiled My holy name by their abominations which they have committed. So I have consumed them in My anger.(NASB-1995)

================================================================================
---- Ezekiel 43:9----
Ezekiel 43:9 Iwan nga nila ang kanilang pagpapatutot, at ilayo sa akin ang mga bangkay ng kanilang mga hari, at ako'y tatahan sa gitna nila magpakailan man.(Tagalog-PH)
--------------------------------------------------------------------------------
Eze 43:9 Now let them put away their harlotry and the corpses of their kings far from Me; and I will dwell among them forever.(NASB-1995)

================================================================================
---- Ezekiel 43:10----
Ezekiel 43:10 Ikaw, anak ng tao, ituro mo ang bahay sa sangbahayan ni Israel, upang sila'y mangapahiya sa kanilang mga kasamaan; at sukatin nila ang anyo.(Tagalog-PH)
--------------------------------------------------------------------------------
Eze 43:10 "As for you, son of man, describe the temple to the house of Israel, that they may be ashamed of their iniquities; and let them measure the plan.(NASB-1995)

================================================================================
---- Ezekiel 43:11----
Ezekiel 43:11 At kung sila'y mangapahiya sa lahat nilang ginawa, ipakilala mo sa kanila ang anyo ng bahay, at ang pagka-anyo niyaon, at ang mga labasan niyaon, at ang mga pasukan niyaon, at lahat ng anyo niyaon, at ang lahat ng mga alituntunin niyaon, at lahat ng anyo niyaon, at lahat ng kautusan niyaon; at iyong isulat yaon sa kanilang paningin; upang kanilang maingatan ang buong anyo niyaon, at ang lahat ng mga alituntunin niyaon, at kanilang isagawa.(Tagalog-PH)
--------------------------------------------------------------------------------
Eze 43:11 If they are ashamed of all that they have done, make known to them the design of the house, its structure, its exits, its entrances, all its designs, all its statutes, and all its laws. And write it in their sight, so that they may observe its whole design and all its statutes and do them.(NASB-1995)

================================================================================
---- Ezekiel 43:12----
Ezekiel 43:12 Ito ang kautusan tungkol sa bahay; ang taluktok ng bundok sa buong hangganan niyaon sa palibot ay magiging kabanalbanalan. Narito, ito ang kautusan tungkol sa bahay.(Tagalog-PH)
--------------------------------------------------------------------------------
Eze 43:12 This is the law of the house: its entire area on the top of the mountain all around shall be most holy. Behold, this is the law of the house.(NASB-1995)

================================================================================
---- Ezekiel 43:13----
Ezekiel 43:13 At ito ang mga sukat ng dambana ayon sa mga siko (ang siko na pinakasukat ay isang siko at isang lapad ng kamay): ang patungan ay isang siko, at ang luwang ay isang siko, at ang gilid niyaon sa palibot ay isang dangkal; at ito ang magiging patungan ng dambana.(Tagalog-PH)
--------------------------------------------------------------------------------
Eze 43:13 "And these are the measurements of the altar by cubits (the cubit being a cubit and a handbreadth): the base shall be a cubit and the width a cubit, and its border on its edge round about one span; and this shall be the height of the base of the altar.(NASB-1995)

================================================================================
---- Ezekiel 43:14----
Ezekiel 43:14 At mula sa patungan sa lupa sa lalong mababang grado ay malalagay na dalawang siko, at ang luwang ay isang siko; at mula sa lalong mababang grado hanggang sa lalong mataas na grado ay malalagay na apat na siko, at ang luwang ay isang siko.(Tagalog-PH)
--------------------------------------------------------------------------------
Eze 43:14 From the base on the ground to the lower ledge shall be two cubits and the width one cubit; and from the smaller ledge to the larger ledge shall be four cubits and the width one cubit.(NASB-1995)

================================================================================
---- Ezekiel 43:15----
Ezekiel 43:15 At ang lalong mataas na dambana ay magiging apat na siko; at mula sa apuyan ng dambana hanggang sa dakong itaas ay magkakaroon ng apat na sungay.(Tagalog-PH)
--------------------------------------------------------------------------------
Eze 43:15 The altar hearth shall be four cubits; and from the altar hearth shall extend upwards four horns.(NASB-1995)

================================================================================
---- Ezekiel 43:16----
Ezekiel 43:16 At ang apuyan ng dambana ay magkakaroon ng labing dalawang siko ang haba at labing dalawa ang luwang, parisukat sa apat na tagiliran niyaon.(Tagalog-PH)
--------------------------------------------------------------------------------
Eze 43:16 Now the altar hearth shall be twelve cubits long by twelve wide, square in its four sides.(NASB-1995)

================================================================================
---- Ezekiel 43:17----
Ezekiel 43:17 At ang patungan niyaon ay magkakaroon ng labing apat na siko ang haba at labing apat na siko ang luwang sa apat na tagiliran niyaon; at ang gilid sa palibot ay magiging kalahating siko; at ang patungan niyaon ay magiging isang siko sa palibot; at ang mga baytang niyaon ay paharap sa dakong silanganan.(Tagalog-PH)
--------------------------------------------------------------------------------
Eze 43:17 The ledge shall be fourteen cubits long by fourteen wide in its four sides, the border around it shall be half a cubit and its base shall be a cubit round about; and its steps shall face the east."(NASB-1995)

================================================================================
---- Ezekiel 43:18----
Ezekiel 43:18 At sinabi niya sa akin, Anak ng tao, ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Ito ang mga alituntunin tungkol sa dambana sa kaarawan na kanilang gagawin, upang paghandugan sa ibabaw ng mga handog na susunugin, at upang pagwisikan ng dugo.(Tagalog-PH)
--------------------------------------------------------------------------------
Eze 43:18 And He said to me, "Son of man, thus says the Lord God, 'These are the statutes for the altar on the day it is built, to offer burnt offerings on it and to sprinkle blood on it.(NASB-1995)

================================================================================
---- Ezekiel 43:19----
Ezekiel 43:19 Iyong ibibigay sa mga saserdote na mga Levita na sa angkan ni Sadoc na malapit sa akin, upang magsipangasiwa sa akin, sabi ng Panginoong Dios, ang isang guyang baka na pinakahandog dahil sa kasalanan.(Tagalog-PH)
--------------------------------------------------------------------------------
Eze 43:19 You shall give to the Levitical priests who are from the offspring of Zadok, who draw near to Me to minister to Me,' declares the Lord God, 'a young bull for a sin offering.(NASB-1995)

================================================================================
---- Ezekiel 43:20----
Ezekiel 43:20 At kukuha ka ng dugo niyaon, at ilalagay mo sa apat na sungay niyaon, at sa apat na sulok ng patungan, at sa laylayan sa palibot: ganito mo lilinisin yaon at tutubusin ito.(Tagalog-PH)
--------------------------------------------------------------------------------
Eze 43:20 You shall take some of its blood and put it on its four horns and on the four corners of the ledge and on the border round about; thus you shall cleanse it and make atonement for it.(NASB-1995)

================================================================================
---- Ezekiel 43:21----
Ezekiel 43:21 Iyo rin namang kukunin ang guyang toro na handog dahil sa kasalanan, at susunugin mo sa takdang dako ng bahay, sa labas ng santuario.(Tagalog-PH)
--------------------------------------------------------------------------------
Eze 43:21 You shall also take the bull for the sin offering, and it shall be burned in the appointed place of the house, outside the sanctuary.(NASB-1995)

================================================================================
---- Ezekiel 43:22----
Ezekiel 43:22 At sa ikalawang araw ay maghahandog ka ng kambing na lalake na walang kapintasan na pinakahandog dahil sa kasalanan; at kanilang lilinisin ang dambana gaya ng kanilang pagkalilis sa pamamagitan ng guyang toro.(Tagalog-PH)
--------------------------------------------------------------------------------
Eze 43:22 'On the second day you shall offer a male goat without blemish for a sin offering, and they shall cleanse the altar as they cleansed it with the bull.(NASB-1995)

================================================================================
---- Ezekiel 43:23----
Ezekiel 43:23 Pagka ikaw ay nakatapos ng paglilinis, maghahandog ka ng isang guyang toro na walang kapintasan, at isang lalaking tupa na mula sa kawan na walang kapintasan.(Tagalog-PH)
--------------------------------------------------------------------------------
Eze 43:23 When you have finished cleansing it, you shall present a young bull without blemish and a ram without blemish from the flock.(NASB-1995)

================================================================================
---- Ezekiel 43:24----
Ezekiel 43:24 At iyong ilalapit ang mga yaon sa harap ng Panginoon, at hahagisan ng asin ang mga yaon ng mga saserdote, at kanilang ihahandog na pinakahandog na susunugin sa Panginoon.(Tagalog-PH)
--------------------------------------------------------------------------------
Eze 43:24 You shall present them before the Lord, and the priests shall throw salt on them, and they shall offer them up as a burnt offering to the Lord.(NASB-1995)

================================================================================
---- Ezekiel 43:25----
Ezekiel 43:25 Pitong araw na maghahanda ka sa bawa't araw ng isang kambing na pinakahandog dahil sa kasalanan: maghahanda rin sila ng guyang toro, at isang lalaking tupang mula sa kawan, na walang kapintasan.(Tagalog-PH)
--------------------------------------------------------------------------------
Eze 43:25 For seven days you shall prepare daily a goat for a sin offering; also a young bull and a ram from the flock, without blemish, shall be prepared.(NASB-1995)

================================================================================
---- Ezekiel 43:26----
Ezekiel 43:26 Pitong araw na kanilang tutubusin ang dambana at lilinisin; gayon nila itatalaga.(Tagalog-PH)
--------------------------------------------------------------------------------
Eze 43:26 For seven days they shall make atonement for the altar and purify it; so shall they consecrate it.(NASB-1995)

================================================================================
---- Ezekiel 43:27----
Ezekiel 43:27 At pagka kanilang naganap ang mga kaarawan, mangyayari na sa ikawalong araw, at sa haharapin, maghahandog ang mga saserdote ng inyong mga handog na susunugin sa ibabaw ng dambana, at ang inyong mga handog tungkol sa kapayapaan; at aking tatanggapin kayo, sabi ng Panginoong Dios.(Tagalog-PH)
--------------------------------------------------------------------------------
Eze 43:27 When they have completed the days, it shall be that on the eighth day and onward, the priests shall offer your burnt offerings on the altar, and your peace offerings; and I will accept you,' declares the Lord God."(NASB-1995)

================================================================================
---- Ezekiel 44:1 ---- written 592-570 B.C. Exilic----


top of the page
THIS CHAPTER:    0845_26_Ezekiel_43_ph-en.html

PREVIOUS CHAPTERS:
0841_26_Ezekiel_39_ph-en.html
0842_26_Ezekiel_40_ph-en.html
0843_26_Ezekiel_41_ph-en.html
0844_26_Ezekiel_42_ph-en.html

NEXT CHAPTERS:
0846_26_Ezekiel_44_ph-en.html
0847_26_Ezekiel_45_ph-en.html
0848_26_Ezekiel_46_ph-en.html
0849_26_Ezekiel_47_ph-en.html

links to all chapters (PH-EN-links.html)

The most accurate English translation NASB 1995: New American Standard Bible (1995 AD>
NKJV: New King James Version (1982 AD)
KJV: King James Version (1611 AD)
ASV: American Standard Version(1901 AD)
Geneva: Geneva Bible (1560 AD)
German - Luther's Die Heilige Schrift(1545 AD), based on the Textus Receptus, Vulgate and other sources
Latin: Vulgate (405 AD)
Hebrew: Masoretic OT and NT translation by Salkinson and C.D. Ginsburg
Greek-OT: The Septuagint (LXX)(132 BC) - translation into Greek from Hebrew by 70 Jewish scholars
Greek-NT: Nestle-Aland (120-200AD), oldest manuscripts used for the NASB and
Textus Receptus (1100-1200AD), a later version used by Luther and for the KJV


top of the page


NAVIGATION tools: --- TOP of page --- GRAMMAR: for 35 Languages --- BibleTech.net INDEX ---
STUDY: the BIBLE --- READ the Bible in ONE_YEAR! --- READ the Bible in the order written! ---

--- free study tools, maps and handouts --- free e-book PDF: BIBLE OVERVIEW and Summary ---

Today's Date:

"Scripture taken from NEW AMERICAN STANDARD BIBLE® 1995 edition,(NASB) Copyright © 1960-2022 by The Lockman Foundation. Used by permission."
"Scripture taken from the New King James Version®.(NKJV) Copyright © 1982 by Thomas Nelson. Used by permission. All rights reserved."