Bibletech.net: index --- Read/Study the BIBLE: Learn to be THANKFUL, LOVE, Live by Faith, and FORGIVE others as you Trust in Jesus!

--- GRAMMAR and ABCs --- 35 languages, by name and ISO country code --- navigation tools for this page ---
The Bible by chapter: TAGALOG and ENGLISH (NASB 1995)


---- Isaiah 66:1 ---- written 740-680 B.C. Pre-Exilic----
Isaiah 66:1 Ganito ang sabi ng Panginoon, Ang langit ay aking luklukan, at ang lupa ay aking tungtungan: anong anyong bahay ang inyong itatayo sa akin? at anong dako ang magiging aking pahingahan?(Tagalog-PH)
--------------------------------------------------------------------------------
Isa 66:1 Thus says the Lord, "Heaven is My throne and the earth is My footstool. Where then is a house you could build for Me? And where is a place that I may rest?(NASB-1995)

================================================================================
---- Isaiah 66:2----
Isaiah 66:2 Sapagka't lahat ng mga bagay na ito ay nilikha ng aking kamay, at sa gayo'y nangyari ang lahat ng mga bagay na ito, sabi ng Panginoon: nguni't ang taong ito ay titingnan ko, sa makatuwid baga'y siyang dukha at may pagsisising loob, at nanginginig sa aking salita.(Tagalog-PH)
--------------------------------------------------------------------------------
Isa 66:2 "For My hand made all these things, Thus all these things came into being," declares the Lord." But to this one I will look, To him who is humble and contrite of spirit, and who trembles at My word.(NASB-1995)

================================================================================
---- Isaiah 66:3----
Isaiah 66:3 Siyang pumapatay ng baka ay gaya ng pumapatay ng tao; siyang naghahain ng kordero ay gaya ng bumabali ng leeg ng aso; siyang naghahandog ng alay ay gaya ng naghahandog ng dugo ng baboy; siyang nagsusunog ng kamangyan ay gaya ng pumupuri sa isang diosdiosan. Oo, sila'y nagsipili ng kanilang sariling mga lakad, at ang kanilang kaluluwa ay nalulugod sa kanilang mga kasuklamsuklam na bagay;(Tagalog-PH)
--------------------------------------------------------------------------------
Isa 66:3 "But he who kills an ox is like one who slays a man; He who sacrifices a lamb is like the one who breaks a dog's neck; He who offers a grain offering is like one who offers swine's blood; He who burns incense is like the one who blesses an idol. As they have chosen their own ways, And their soul delights in their abominations,(NASB-1995)

================================================================================
---- Isaiah 66:4----
Isaiah 66:4 Akin namang pipiliin ang kanilang mga kakutyaan, at dadalhan ko sila ng kanilang takot, sapagka't nang ako'y tumawag, walang sumagot; nang ako'y magsalita ay walang nakinig; kundi sila'y nagsigawa ng masama sa harap ng aking mga mata, at pinili ang hindi ko kinaluluguran.(Tagalog-PH)
--------------------------------------------------------------------------------
Isa 66:4 So I will choose their punishments And will bring on them what they dread. Because I called, but no one answered; I spoke, but they did not listen. And they did evil in My sight And chose that in which I did not delight."(NASB-1995)

================================================================================
---- Isaiah 66:5----
Isaiah 66:5 Inyong pakinggan ang salita ng Panginoon, ninyong nanginginig sa kaniyang salita, Ang inyong mga kapatid na nangagtatanim sa inyo na nangagtatakuwil sa inyo dahil sa akin, nangagsabi, Luwalhatiin ang Panginoon, upang makita namin ang inyong kagalakan; nguni't sila'y mangapapahiya.(Tagalog-PH)
--------------------------------------------------------------------------------
Isa 66:5 Hear the word of the Lord, you who tremble at His word: "Your brothers who hate you, who exclude you for My name's sake, Have said, 'Let the Lord be glorified, that we may see your joy.'But they will be put to shame.(NASB-1995)

================================================================================
---- Isaiah 66:6----
Isaiah 66:6 Ang ingay ng kagulo na mula sa bayan, ang tinig na mula sa templo, ang tinig ng Panginoon na naggagawad ng kagantihan sa kaniyang mga kaaway.(Tagalog-PH)
--------------------------------------------------------------------------------
Isa 66:6 "A voice of uproar from the city, a voice from the temple, The voice of the Lord who is rendering recompense to His enemies.(NASB-1995)

================================================================================
---- Isaiah 66:7----
Isaiah 66:7 Bago siya nagdamdam, siya'y nanganak; bago dumating ang kaniyang paghihirap, siya'y nanganak ng isang lalake.(Tagalog-PH)
--------------------------------------------------------------------------------
Isa 66:7 "Before she travailed, she brought forth; Before her pain came, she gave birth to a boy.(NASB-1995)

================================================================================
---- Isaiah 66:8----
Isaiah 66:8 Sinong nakarinig ng ganyang bagay? sinong nakakita ng ganyang mga bagay? ipanganganak baga ang lupain sa isang araw? ilalabas bagang paminsan ang isang bansa? sapagka't pagdaramdam ng Sion, ay nanganak ng kaniyang mga anak.(Tagalog-PH)
--------------------------------------------------------------------------------
Isa 66:8 "Who has heard such a thing? Who has seen such things? Can a land be born in one day? Can a nation be brought forth all at once? As soon as Zion travailed, she also brought forth her sons.(NASB-1995)

================================================================================
---- Isaiah 66:9----
Isaiah 66:9 Dadalhin ko baga sa kapanganakan, at hindi ko ilalabas? sabi ng Panginoon; magsasara baga ako ng bahay bata, akong nagpapanganak? sabi ng iyong Dios.(Tagalog-PH)
--------------------------------------------------------------------------------
Isa 66:9 "Shall I bring to the point of birth and not give delivery?" says the Lord." Or shall I who gives delivery shut the womb?" says your God.(NASB-1995)

================================================================================
---- Isaiah 66:10----
Isaiah 66:10 Kayo'y mangagalak na kasama ng Jerusalem, at mangatuwa dahil sa kaniya, kayong lahat na nagsisiibig sa kaniya: kayo'y mangagalak ng kagalakan na kasama niya, kayong lahat na nagsisitangis dahil sa kaniya:(Tagalog-PH)
--------------------------------------------------------------------------------
Isa 66:10 "Be joyful with Jerusalem and rejoice for her, all you who love her; Be exceedingly glad with her, all you who mourn over her,(NASB-1995)

================================================================================
---- Isaiah 66:11----
Isaiah 66:11 Upang kayo'y makasuso at mabusog sa pamamagitan ng mga suso ng kaniyang mga kaaliwan; upang kayo'y makagatas, at malugod sa kasaganaan ng kaniyang kaluwalhatian.(Tagalog-PH)
--------------------------------------------------------------------------------
Isa 66:11 That you may nurse and be satisfied with her comforting breasts, That you may suck and be delighted with her bountiful bosom."(NASB-1995)

================================================================================
---- Isaiah 66:12----
Isaiah 66:12 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, ako'y maggagawad ng kapayapaan sa kaniya na parang isang ilog, at ang kaluwalhatian ng mga bansa ay parang malaking baha, at inyong sususuhin yaon; kayo'y kikilikin, at lilibangin sa mga tuhod.(Tagalog-PH)
--------------------------------------------------------------------------------
Isa 66:12 For thus says the Lord, "Behold, I extend peace to her like a river, And the glory of the nations like an overflowing stream; And you will be nursed, you will be carried on the hip and fondled on the knees.(NASB-1995)

================================================================================
---- Isaiah 66:13----
Isaiah 66:13 Kung paanong ang sinoma'y inaaliw ng ina gayon ko aaliwin kayo; at kayo'y mangaaliw sa Jerusalem.(Tagalog-PH)
--------------------------------------------------------------------------------
Isa 66:13 "As one whom his mother comforts, so I will comfort you; And you will be comforted in Jerusalem."(NASB-1995)

================================================================================
---- Isaiah 66:14----
Isaiah 66:14 At inyong makikita, at magagalak ang inyong puso, at ang inyong mga buto ay giginhawang parang sariwang damo: at ang kamay ng Panginoon ay makikilala sa kaniyang mga lingkod, at siya'y magagalit laban sa kaniyang mga kaaway.(Tagalog-PH)
--------------------------------------------------------------------------------
Isa 66:14 Then you will see this, and your heart will be glad, And your bones will flourish like the new grass; And the hand of the Lord will be made known to His servants, But He will be indignant toward His enemies.(NASB-1995)

================================================================================
---- Isaiah 66:15----
Isaiah 66:15 Sapagka't, narito, ang Panginoon ay darating na may apoy, at ang kaniyang mga karo ay magiging parang ipoipo; upang igawad ang kaniyang galit na may kapusukan, at ang kaniyang saway na may ningas ng apoy.(Tagalog-PH)
--------------------------------------------------------------------------------
Isa 66:15 For behold, the Lord will come in fire And His chariots like the whirlwind, To render His anger with fury, And His rebuke with flames of fire.(NASB-1995)

================================================================================
---- Isaiah 66:16----
Isaiah 66:16 Sapagka't sa pamamagitan ng apoy makikipagpunyagi ang Panginoon, at sa pamamagitan ng kaniyang tabak, sa lahat ng mga tao: at ang mapapatay ng Panginoon ay magiging marami.(Tagalog-PH)
--------------------------------------------------------------------------------
Isa 66:16 For the Lord will execute judgment by fire And by His sword on all flesh, And those slain by the Lord will be many.(NASB-1995)

================================================================================
---- Isaiah 66:17----
Isaiah 66:17 Silang nangagpapakabanal, at nangagpapakalinis na nagsisiparoon sa mga halamanan, sa likuran ng isa sa gitna, na nagsisikain ng laman ng baboy, at ng kasuklamsuklam, at ng daga; sila'y darating sa isang wakas na magkakasama, sabi ng Panginoon.(Tagalog-PH)
--------------------------------------------------------------------------------
Isa 66:17 "Those who sanctify and purify themselves to go to the gardens, Following one in the center, Who eat swine's flesh, detestable things and mice, Will come to an end altogether," declares the Lord.(NASB-1995)

================================================================================
---- Isaiah 66:18----
Isaiah 66:18 Sapagka't kilala ko ang kanilang mga gawa at ang kanilang mga pagiisip: ang panahon ay dumarating na aking pipisanin ang lahat na bansa at ang mga may iba't ibang wika; at sila'y magsisiparoon, at mangakikita ang aking kaluwalhatian.(Tagalog-PH)
--------------------------------------------------------------------------------
Isa 66:18 "For I know their works and their thoughts; the time is coming to gather all nations and tongues. And they shall come and see My glory.(NASB-1995)

================================================================================
---- Isaiah 66:19----
Isaiah 66:19 At ako'y maglalagay ng tanda sa gitna nila, at aking susuguin ang mga nakatanan sa kanila sa mga bansa, sa Tarsia, Pul, at Lud, na nagsisihawak ng busog, sa Tubal at Javan, sa mga pulong malayo na hindi nangakarinig ng aking kabantugan, o nakakita man ng aking kaluwalhatian; at sila'y mangagpapahayag ng aking kaluwalhatian sa gitna ng mga bansa.(Tagalog-PH)
--------------------------------------------------------------------------------
Isa 66:19 I will set a sign among them and will send survivors from them to the nations: Tarshish, Put, Lud, Meshech, Tubal and Javan, to the distant coastlands that have neither heard My fame nor seen My glory. And they will declare My glory among the nations.(NASB-1995)

================================================================================
---- Isaiah 66:20----
Isaiah 66:20 At kanilang dadalhin ang lahat ninyong mga kapatid mula sa lahat na bansa na pinakahandog sa Panginoon, na nasasakay sa mga kabayo, at sa mga karo, at sa mga duyan, at sa mga mula, at sa mga maliksing hayop, sa aking banal na bundok na Jerusalem, sabi ng Panginoon, gaya ng pagdadala ng mga anak ni Israel ng kanilang handog sa malinis na sisidlan sa bahay ng Panginoon.(Tagalog-PH)
--------------------------------------------------------------------------------
Isa 66:20 Then they shall bring all your brethren from all the nations as a grain offering to the Lord, on horses, in chariots, in litters, on mules and on camels, to My holy mountain Jerusalem," says the Lord,"just as the sons of Israel bring their grain offering in a clean vessel to the house of the Lord.(NASB-1995)

================================================================================
---- Isaiah 66:21----
Isaiah 66:21 At sa kanila rin naman ako kukuha ng mga pinaka saserdote at mga pinaka Levita, sabi ng Panginoon.(Tagalog-PH)
--------------------------------------------------------------------------------
Isa 66:21 I will also take some of them for priests and for Levites," says the Lord.(NASB-1995)

================================================================================
---- Isaiah 66:22----
Isaiah 66:22 Sapagka't kung paanong ang mga bagong langit at ang bagong lupa, na aking lilikhain ay mananatili sa harap ko, sabi ng Panginoon, gayon mananatili ang inyong lahi, at ang inyong pangalan.(Tagalog-PH)
--------------------------------------------------------------------------------
Isa 66:22 "For just as the new heavens and the new earth Which I make will endure before Me," declares the Lord, "So your offspring and your name will endure.(NASB-1995)

================================================================================
---- Isaiah 66:23----
Isaiah 66:23 At mangyayari, na mula sa bagong buwan hanggang sa panibago, at mula sa isang sabbath hanggang sa panibago, paroroon ang lahat na tao upang sumamba sa harap ko, sabi ng Panginoon.(Tagalog-PH)
--------------------------------------------------------------------------------
Isa 66:23 "And it shall be from new moon to new moon And from sabbath to sabbath, All mankind will come to bow down before Me," says the Lord.(NASB-1995)

================================================================================
---- Isaiah 66:24----
Isaiah 66:24 At sila'y magsisilabas, at magsisitingin sa mga bangkay ng mga taong nagsisalangsang laban sa akin: sapagka't ang kanilang uod ay hindi mamamatay, o mamamatay man ang kanilang apoy; at sila'y magiging kayamutan sa lahat ng mga tao.(Tagalog-PH)
--------------------------------------------------------------------------------
Isa 66:24 "Then they will go forth and look On the corpses of the men Who have transgressed against Me. For their worm will not die And their fire will not be quenched; And they will be an abhorrence to all mankind."(NASB-1995)

================================================================================


top of the page
THIS CHAPTER:    0745_23_Isaiah_66_ph-en.html

PREVIOUS CHAPTERS:
0741_23_Isaiah_62_ph-en.html
0742_23_Isaiah_63_ph-en.html
0743_23_Isaiah_64_ph-en.html
0744_23_Isaiah_65_ph-en.html

NEXT CHAPTERS:
0746_24_Jeremiah_01_ph-en.html
0747_24_Jeremiah_02_ph-en.html
0748_24_Jeremiah_03_ph-en.html
0749_24_Jeremiah_04_ph-en.html

links to all chapters (PH-EN-links.html)

The most accurate English translation NASB 1995: New American Standard Bible (1995 AD>
NKJV: New King James Version (1982 AD)
KJV: King James Version (1611 AD)
ASV: American Standard Version(1901 AD)
Geneva: Geneva Bible (1560 AD)
German - Luther's Die Heilige Schrift(1545 AD), based on the Textus Receptus, Vulgate and other sources
Latin: Vulgate (405 AD)
Hebrew: Masoretic OT and NT translation by Salkinson and C.D. Ginsburg
Greek-OT: The Septuagint (LXX)(132 BC) - translation into Greek from Hebrew by 70 Jewish scholars
Greek-NT: Nestle-Aland (120-200AD), oldest manuscripts used for the NASB and
Textus Receptus (1100-1200AD), a later version used by Luther and for the KJV


top of the page


NAVIGATION tools: --- TOP of page --- GRAMMAR: for 35 Languages --- BibleTech.net INDEX ---
STUDY: the BIBLE --- READ the Bible in ONE_YEAR! --- READ the Bible in the order written! ---

--- free study tools, maps and handouts --- free e-book PDF: BIBLE OVERVIEW and Summary ---

Today's Date:

"Scripture taken from NEW AMERICAN STANDARD BIBLE® 1995 edition,(NASB) Copyright © 1960-2022 by The Lockman Foundation. Used by permission."
"Scripture taken from the New King James Version®.(NKJV) Copyright © 1982 by Thomas Nelson. Used by permission. All rights reserved."